by ABS-CBN News, 12 Feb 2020
Arestado ang 19-anyos na babae na nambugaw umano sa mga babae sa Maynila at 17-anyos na lalaking nag-alok ng mga babae sa undercover na pulis sa Caloocan.
Nasagip sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis ang 2 babae at 8 pang babaeng menor de edad Martes ng gabi sa Maynila at Caloocan.
Magkahiwalay na nagsagawa ng entrapment at rescue operation sa mga umano’y bugaw ang mga tauhan ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (WCPC) – Luzon Field Unit sa dalawang motel sa Tondo, Maynila at Caloocan City.
Sa Maynila, binayaran ng P2,500 ang 19 anyos na si alyas Rose na may kasamang 4 na menor de edad.
Sa Caloocan, hinuli naman ang 17 anyos na si alyas Robin dahil sa pambubugaw umano ng 6 na babae. Apat sa kanila ay menor de edad at ang pinakabata ay 13 anyos.
Ayon kay Police Col. Samuel Mina Jr., inaalok ng mga suspek ang mga kabataang babae sa prostitusyon bilang madaling pagkakitaan. Umaabot umano sa P500 pataas ang binabayad.
Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang tinaguriang street-level prostitution sabay ng pambubugaw sa mga foreigner na nabibisto sa mga sex den.
Kwento ng isa sa mga biktima, inalok siya ni alyas Robin na bibigyan ng pera kapag nagdala ng kasama para kumain.
Depensa naman ng mga suspek, nag-refer lang sila sa customer ng mga kakilala na dati nang nagpapabugaw pero hindi nila regular na kabuhayan ito.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong human trafficking o paglabag sa RA 9208. Aalamin kung may discernment o sapat na pang-unawa sa krimen ang 17-anyos na si alyas Robin bago makasuhan.
Dinala ang mga sinagip na babae sa WCPC sa Camp Crame para kausapin ng mga pulis at social worker bago i-turnover sa Department of Social Welfare and Development.-Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos