20 Apr 2020 – A few first-hand experience, observations, about ECQ:
Everyone is rushing, struggling, as #coronavirus plagues us.
The playlist on dealing with the new crisis is evolving, [Read more.]
kaya there’s a scramble for what are good practices, what works,
with some fake information circulating.
Pwede mapabilisan ang translation of policies, announcements, into action.
Maybe it would help if implementing regulations were ready and cascaded to the ground
as soon as announcements are made.
Mahirap access to information.
Maraming inde nakaaalam kung ano ang nangyayari,
ano mga regulasyon, ano tamang action.
Inde lang sa mga usually salat sa information, kundi sa mga techies,
mga middle class, mayayaman, din.
Pwede pang ma-improve ang information dissemination.
Ngaun, kelangang mag-surf ng facebook, twitter, news, atbp. para malaman kung ano talaga.
Taken for granted na merong social media, pero inde naman lahat ay may pang-surf,
Inde lahat may time to surf, o nakikita ang dapat makita,.
Meron ding iba-ibang interpretation ng policy at announcements.
More orientation pa seguro ay makatutulong. Ang ‘physician’ daw ay inde ‘doctor’?
Merong mga lugar na ilang days muna bago nakatanggap ng relief packs.
Sa iba naman na maliliksi ang authorities, 3rd wave na.
Maraming pasaway sa condos, sa open supermarkets, groceries, sa streets.
Meron pa ring even curfew na ay naka-sasakyan, naka-motorcycle pa …
Condos are potential breeding places for #coronavirus,
dahil sa mga enclosed common areas, lobbies, elevators, corridors.
Merong ding, dahil inde present ang management and skeleton forces lang ang nandun,
irregular or delayed disinfection, delayed masking, other delayed action.
May mga announcement na alcohol is available,
pero hirap makita sa supermarkets, convenience stores, retail stores.
Sino kaya umiinom ng mga ‘yon?
Prices, even of essential items, merong beyond SRP.
Merong mga complaints directed at government agencies,
pero at times, hindi helpful sa complainant ang hinihinging lista ng information.
Kahit na meron nang screen shots ng erring advertisements online.
Sa reports sa overpricing sa palengke,
kelangan pa ba manghingi nang name of establishment and proof of purchase?
Pwedeng madagdagan ang mga hotlines, assisting officers.
Sa overflow nang naghahanap ng correct information,
kelangan pang mag-engage ng mas maraming hotlines, assisting officers.
Kelangan ding make sure na ang mga links to offices are working.
Some of the things here have been improved, are being acted upon, or under discussion.
They are being posted here, para inde makalimutan, para inde maulit.
Maraming good stories, sa fb, twitter, news, social media,
mga kwento sa chat groups (plural).
Dahil sa aking status, strict quarantine sa bahay,
wala akong nararanasan personally na pwedeng ilagay dito.
Except ung one-time clapping for frontliners ng residents sa mga balconies.
Inde kasama ang maraming good stories na ganun dito.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos