Babae timbog matapos umanong ibugaw ang anak, pamangkin sa ‘online sex shows’

Published by rudy Date posted on May 14, 2020

by Niko Baua, ABS-CBN News, 14 May 2020

MAYNILA — Isang nanay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong ibugaw ang dalagita niyang anak at pamangkin sa online sex show.

Nagkunwaring kliyente online ang tauhan ng NBI-Anti Human Trafficking Division para mahuli ang suspek na si alyas “Jessica.”

Nang matunton ang bahay ng suspek, naabutan doon ang anak niyang 11 anyos at pamangkin na 14 anyos, na pareho daw pinaghuhubad ni Jessica para sa “online shows”

Depensa ni Jessica, desperado na siya dahil wala siyang pera para sa pagkain, mga utang, at kuryente.

“Walang sumusuporta sa amin… Wala na po kasi akong choice,” aniya.

Sa isang online show, aabot daw sa P5,000 ang kanyang kinikita.

Kinasuhan si Jessica ng child pornography, child abuse, at child trafficking.

Ayon sa NBI, bago pa man nagsimula ang lockdown ay problema na ang cybersex crimes.

“Naintindihan namin na mahirap ang buhay ngayon… Pero sinasabi namin sa mga magulang, hindi nila puwede gawing commodity o kasangkapan ang mga bata,” ani NBI spokesman Ferdinand Lavin.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang 2 batang biktima.

Korte na umano ang magpapasiya kung sino ang mag-aalaga sa kanila habang lilitisin pa ang kaso ni Jessica.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories