Sanggol, 12 iba pa nasagip mula sa cybersex den sa Butuan; 2 timbog

Published by rudy Date posted on May 22, 2020

by Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News, 22 May 2020

Nasagip ng mga awtoridad ang 13 na mga babae, kabilang ang 12 menor de edad, mula sa isang cybersex den sa Barangay Ambago sa Butuan City nitong Huwebes.

Naaresto sa isinigawang entrapment operation sa Purok 5 ang isang babae at ang lalaking live-in partner nito.

Ayon sa pulisya, apat sa mga biktima ay edad 1 hanggang 3 anyos.

Ang 9 naman na biktima ay may edad 11 hanggang 19 na taong gulang, na pwersahang pinagagawa ng malalaswa kapalit ng P2,000 hanggang P20,000, depende sa klase ng “show” na nirequest ng online client mula Pilipinas o abroad.

Disyembre noong nakaraang taon umano nagsimula ang surveillance at case build-up ng Women and Children Protection Center – Mindanao Field Unit laban sa suspek.

Narekober ng awtoridad sa operasyon ang mga cellphones, identification cards, remittance cards, mga resibo ng remittance center, lubricant, tablet, at router.

Apat na improvised na armas din ang narekober, isang replica ng kalibre .45 at .38 revolver, mga bala, at matulis na bagay na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng live-in partner ng suspek.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek, habang itinurn over naman sa Department of Social Welfare and Development ang mga biktima.

Inihanda na ang kasong paglabag ng Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) laban sa mga suspek.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories