by ABS-CBN News, 27 Oct 2020
MAYNILA – Maituturing na psychological violence laban sa kababaihan ang pagkakaroon ng kabit ng mister, ayon sa ruling na kinatigan ng Supreme Court.
Kinatigan ng Korte Suprema ang ruling ng Regional Trial Court at Court of Appeals sa isang kaso, kung saan itinuturing na psychological violence ang pangangaliwa o marital infidelity na isang paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Children Act of 2004.
Ang nangyari sa kaso, iniwan ng mister ang kaniyang misis para tumira sa Zamboanga kasama ang kabit at nagkaroon pa ng tatlong anak.
Taong 2007 nang makumpirma ng misis na nangangaliwa ang kaniyang mister at kalauna’y nagkaroon ng kasunduan na hindi na ito makikipagkita sa kabit. Pero pagkatapos ng dalawang buwan, bigla na lang umanong umalis ang mister.
Tumawag ang kabit at sinabing may sakit umano ang mister at nanakot pa na papatayin niya ito. Dahil sa nangyari, nakaramdam ng emotional anguish ang misis.
Sa pag-alala, naghain ng Petition for Habeas Corpus ang misis para ma-release ang mister pero nalaman niyang malayang nagsasama ang dalawa, at nalaman pang may tatlo itong anak.
Hinatulan ng 8 taong pagkakakulong ang mister.
— Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
It’s women’s month!
“Support women every day of the year!”
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos
Monthly Observances:
Women’s Role in History Month
Weekly Observances:
Week 1: Environmental Week
Women’s Week
Week 3: Philippine Industry and Made-in-the-Philippines
Products Week
Last Week: Protection and Gender-Fair Treatment
of the Girl Child Week
Daily Observances:
March 8: Women’s Rights and
International Peace Day;
National Women’s Day
Mar 4— Employee Appreciation Day
Mar 15 — World Consumer Rights Day
Mar 18 — Global Recycling Day
Mar 21 — International Day for the Elimination of Racial Discrimination
Mar 23 — International Day for the Right to the Truth concerning Gross Human Rights Violations and for the Dignity of Victims
Mar 25 — International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transatlantic Slave Trade
Mar 27 — Earth Hour