by Harris Julio, ABS-CBN News, 12 Nov 2020
Patay ang isang nurse nang maaksidente ang sinasakyang ambulansiya sa national highway sa bayan ng Penablanca, Cagayan nitong Huwebes ng umaga.
Namatay ang nurse na si Elizabeth Damil nang tumaob at nagpagulong gulong ang ambulansyang kanyang sinasakyan sa Barangay Alimannao.
Ayon kay Police Capt. Rohaina Asalan, hepe ng Penablanca Police, galing ng San Pablo sa Isabela ang ambulansiya.
Habang binabaybay nito ang kalsada ay bigla umanong pumutok ang kaliwang gulong sa harap na naging dahilan para mahirapang kontrolin ng driver ang sasakyan.
Nagpagulong-gulong umano ang ambulansiya bago tuluyang sumadsad.
Narespondehan naman ng mga rescuer ang mga biktima at naidala sila sa ospital, pero idineklara ng attending physician na dead-on-arrival si Damil.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos