7 Pinoy human trafficking survivors sa Syria, nakauwi na

Published by rudy Date posted on September 27, 2021

by Fadriquela | TFC News, 27 Sep 2021

MANILA – Pitong Pilipino na biktima ng human trafficking sa Syria ang nakauwi na sa Pilipinas noong September 18, 2021 sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ang Office of the Undersecretary of Migrant Worker’s Affairs (DFA-OUMWA) ang nagsagawa ng repatriation sa mga biktimang Pilipino.

Ang nasabing batch ng repatriates mula sa Syria ay inabuso ng kanilang employers. Humingi sila ng tulong sa Philippine Embassy sa Damascus para sila ay ma-rescue.

Kinausap ng DFA ang employers at recruitment agencies at government officials ng Syrian Arab Republic para sa agarang pagbibigay sa kanila ng exit visas.

“The repatriation of these seven trafficking survivors from Syria reflects the DFA’s continuing commitment towards protecting and assisting each and every one of our distressed kababayan who are in need of help and assistance,” sabi ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Ang nakauwing trafficking survivors ay tutulungang makapagsampa ng kaso laban sa mga taong nag-recruit at nagdala sa kanila sa Syria.

Maaari silang makasuhan sa paglabag ng Anti-Human Trafficking in Persons Act under Republic Act 9208 (as amended) at ng Republic Act 8042 (as amended) dahil sa illegal recruitment.

Babala ng DFA at POEA, may umiiral pa ring deployment ban sa Syria. Pinapayuhan ang mga nais magtrabaho sa abroad na dumaan sa prosesong itinakda ng POEA.

Binigyan naman ng debriefing at orientation tungkol sa COVID-19 health protocols ang repatriates mula Syria paglapag sa Maynila.

Para sa mga nagbabagang balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan at Europa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol. Source: DFA website

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories