TUCP ilalaban sa Korte Suprema ang P75 dagdag-sahod

Published by rudy Date posted on May 11, 2011

Security guard si Manuel Abasola. Minimum wage earner siya at nagtitiyaga siyang mangupahan dito sa isang napakaliit na kuwarto.

Sa P10,000 buwanang sahod, P5,000 lang ang naiuuwi niya dahil sa mga kaltas at utang.

“Ang guwardiya talaga minsan after 3 days wala na. Hindi pa nagsusuweldo ang guwardiya may utang na,” sabi ni Manuel.

Dalawang libo ang ipinapadala ni Manuel sa 2 anak na nag-aaral sa probinsya.

Halagang P1,300 ang upa niya sa kuwarto, P1,000 sa kuryente at tubig, ang P700 na natira ay pagkakasyahin pa sa pang-araw araw na pagkain niya at kanyang asawa.

Kung madadagdagan daw sila ng P75 o P1,950 kada buwan, malaking tulong na ito.

“Para medyo maluwag-luwag naman, makabili naman kami ng masasarap na pagkain. Pangalawa, sana kahit papaano may maitabi kami para mayroon namang madudukot,” sabi pa ni Manuel.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines, ganito ang kalagayan ng 2.1 million na minimum wage earners sa bansa.

Kaya hindi sila papayag ng umentong mas maliit sa hirit nilang P75 across-the-board wage hike.

“Kung hindi namin ito makuha sa wage board, iku-question po namin and then kung kailangan dalahin sa Supreme Court, dadalahin namin ang laban,” sabi ni Rafael Mapalo, tagapagsalita ng TUCP.

Bukas naman ang grupo sa usapin ng profit sharing na mungkahi rin ni Pangulong Aquino kung saan may porsyento ang mga empleyado kung maganda ang kita ng kumpanya.

Unahin muna raw ang usapin ng suweldo para naman makaalwan sa mga laging gipit na gaya ni Manuel. Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories