Construction worker, patay sa aksidente sa ginagawang gusali sa Cebu

Published by rudy Date posted on August 9, 2013

Nasawi ang chief carpenter ng ginagawang condominium building sa Mandaue City, Cebu matapos siyang mabagsakan ng precast slab o malaking tipak ng bato.

Ayon sa pulisya, posibleng bumigay ang tali sa mga precast slab dahil sa sobrang bigat habang nasa taas ito ng ika-10 palapag ng ginagawang gusali.

Nagkataon naman na nasa ground floor ang biktima na agad na namatay matapos mabagsakan ng bato.

Ayon sa isang residente, hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganitong insidente sa lugar.

Kuwento ni Protacio Tampus, noong nakaraang Disyembre o Enero ay may naganap ding naaksidente nang maputol ang kable ng crane.

Sa ngayon ay wala pa umanong nakakausap ang mga pulis na tauhan ng contractor at maging ang may-ari ng ginagawang condominium kaugnay sa nangyariang aksidente.

Sinusubukan pa rin ng GMA News na makuha ang panig ng namamahala sa konstruksiyon ng gusali. — Bexmae Jumao-As/FRJ, GMA News

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories