Tindahan ng LPG sa Davao City, sumabog; 4 na trabahador, sugatan

Published by rudy Date posted on August 7, 2013

Apat na trabahador sa isang tindahan ng LPG sa Davao City ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng matinding sugat sa katawan bunga ng naganap na pagsabog.

Sa ulat ni Donna Timbal-Senajon ng GMA-Davao para sa Balita Pilipinas Ngayon, kinilala ang mga trabahador na nagtamo ng mga sugat at paso sa katawan na sina Edgardo Relon, Rene Francisco, Peter Pamene at Noli Minerio.

Ilang saksi ang nakakita umano sa mga biktima na tumilapon dahil sa lakas na pagsabog na naganap sa barangay 10-A sa Davao City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na hindi napansin ng mga biktima ang pagsingaw ng LPG. At nang magluto ang isa sa kanila at sindihan ang kalan, naganap na ang pagsabog.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat at laging tiyakin na walang tagas sa tangge ng kanilang LPG para maiwasan ang aksidente. — FRJ, GMA News

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories