Draft 4.17.09
Isang mainit na pagbati sa Araw ng Paggawa!
Tayong mga manggagawa sa Pilipinas at mga manggagawa overseas ay muling nakikiisa sa mga manggagawa sa buong daigdig sa araw na ito.
Lahat tayo ay nakatuon sa decent work – isang paraiso na punung-puno ng meaningful rights, jobs, social protection and social dialogue. Malayung-malayo pa tayo sa paraiso ng decent work. Marami pang gagawin para makalapit tayo dito.
Lahat tayo ay kasama, kabalikat, at aktibong nakikilahok sa mga pagkilos para mawakasan ang kahirapan, kahayupan, kasamaan – sa mundo ng paggawa.
Bayan – damang-dama natin na mahirap, mainit, ang panahon ngayon! Kailangan ang mas maigting na pagkakaisa at determinasyon upang malagpasan natin ang “global crisis” na lalong nagpapahirap sa bansa at sa mga manggagawa.
Ipinapaabot namin sa lahat ngayon ang mga saloobin, hinaing at demands ng mga maggagawa:
We pledge, as we always do, na katulong kami ng pamahalaan at pribadong sector sa paghahanap at pagpapatupad ng equitable solutions sa mga isyung hinaharap natin ngayon.
1. Makatotohanang pagpapatupad ng batas para pag-uunyon.
Tama na ang sarswela. Bigyan na ng katuparan ang Freedom of Association and Collective Bargaining.
Stop anti-union actions! Tigilan na ang delays and inaction sa mga kasong pag-uunyon. Patay na ang unyon, ubos na ang miembro, bago magkalinawan sa kaso.
2. Kabwisitan ang labor-only contracting. Kahit na registered agencies daw o cooperatives ang gumagawa nito.
Organized inaction talaga ang description ng nangyayari ngayon.
Ano ba — inutil na ba talaga ang nagpapatupad sa batas-paggawa?
3. Bawasan ang kakupadan sa pagreresolba ng mga kaso ng mga manggagawa.
Justice delayed is justice denied.
Tingnan muli ang mga rekomendasyon ng TIPC para sa pagbabago ng sistema ng labor injustice at gawin ang nararapat.
Kung kailangang palitan ang NLRC, so be it!
4. Minimum wages. Di kami makagalaw sa usaping wages dahil sa global financial crisis. Patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng bilihin. ‘Di naman tumataas ang sahod. Hirap na hirap na kami. Kailangan namin ng immediate relief!
5. Tigilan ang pag-iisip sa pagbababa ng minimum labor standards. Ini-exploit ng mga employers ang global crisis para maisakatuparan ang buktot na hangarin nila.
‘Wag kayong magkakamali at makakatikim kayo!
Dapat nga dagdagan ang social protection pag crisis.
6. Tulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho
• Dapat priority, unahin, sila sa lahat ng programa ng gobyerno. Abalang-abala tayo sa kapakanan ng employers para sa job preservation. Pero kulang ang ibinibigay nating relief sa mga manggagawa
Sa SPES at OYSTER, unahin ang mga anak ng mga nawalan ng trabaho.
• Isabatas na ang unemployment insurance. Martial law pa hinihingi na natin ‘to. Ngayon, kahit delayed, gawin na!!
• I-focus ang “training” at “retraining” sa mga skills na in-demand at industriya na may kailangan.
• Moratorium sa pagbabayad sa SSS, GSIS, Pag-ibig loans para sa mga nawalan ng trabaho. Wala na ngang kita, magbabayad pa ng loan !!??
• Suriin, luwagan, i-relax, ang rules sa pagbibigay ng loans sa mga displaced workers.
7. Dagdag kita at benepisyo para sa mga manggagawa
• Bawasan muna ang kaltas para sa SSS, GSIS at Pag-ibig—para magamit sa pagbili ng basic needs.
• Kalampagin ang Supreme Court na unahin ang desisyon sa petition for mandamus na inihain ng mga manggagawa para tuparin ang intensiyon ng Kongreso na January 2008 ang effectivity ng Tax Relief Package Law.
Alisin ang tax sa overtime pay at sa leave credits na converted sa cash. Kasi naman, matagal na naming sinasabi na di dapat magbayad ng buwis ang mga taong kumikita lamang ng P20,000 bawat buwan.
• Rationalize credit card interest and practices.
Bumababa ang interest sa deposit. Bumababa ang interest sa bank loans. Pero patuloy na mapaniil ang credit card interest.
• Ibasura ang probisyon sa BMBE Law na pinapayagan ang di pagbabayad ng minimum wage sa mga kompanyang namumuhanan ng di lagpas sa P3 million
Sila ngang mababa ang suweldo ang dapat bigyan ng umento.
• Itaas ang PhilHealth benefits para sa lahat – mga manggagawa sa pormal na sektor (pribado at gobyerno), informal sector, indigents at indigenous people.
Mahirap magkasakit. Mas mahirap magbayad pag nagkasakit — lalo na sa catastrophic illnesses. Kaya ang iba, ‘di na lang nagpapagamot.
• Bakit ba wala tayong ginagawa sa pagtaas ng oil prices? Damay lahat ang presyo ng bilihin.
Padamihin ang bilihan ng murang bigas at gamot.
Itigil muna ang pagtaas ng tuition and other fees at renta ng bahay habang crisis tayo.
• Padamihin ang affordable housing at dormitorio para sa mga nagtatrabaho sa economic zones at call centers.
• Gawing partner at conduit ang mga labor centers at pederasyon sa pump-priming activities ng gobyerno, lalung- lalo na sa livelihood grants, training at retraining ng manggagawa, atbp.
• Para din sa mga manggagawa sa gobyerno
Pabilisin ang pag-release ng GSIS benefits
Pabilisin ang approval at implementasyon ng Salary Standardization Law III
Amendahan ang EO 180 – gawing makatotohanan ang karapatang mag-unyon sa gobyerno
Alisin ang restriksiyon at pabilisin ang pagtatayo ng provident fund para sa lahat
8. Mag-moratorium sa scheduled tariff reductions sa ilalim ng CEPT at sa iba pang mga international agreements.
Stop muna natin ang pagsakal ng free trade agreements sa ating industriya at manggagawa
Hindi kaaya-aya ang “dumping” ng mga murang produkto na resulta ng mga “subsidies” na ginagawa ng ibang bansa.
9. Paigtingin ang kampanya laban sa diskriminasyon ng kababaihan
a. Ipasa ang “Magna Carta of Women”.
b. Palawakin ang social protection para sa kababaihan na nasa “informal sector.”
c. Amendahan ang batas sa discrimination, sexual harassment at trafficking in persons
d. Ipalaganap at pundohan ng pamahalaan ang isang agresibong pamamahala ng programa ng populasyon at “responsible parenthood” para sa lahat. IPASA NA ANG RH BILL, NGAYON NA!!
10. If we gave as much attention to child labor and their families, as what we are giving to those disadvantaged by the global crisis, child labor would have disappeared.
Ano – magse-seryoso na ba tayo?
11. Tigilan ang discriminasyon sa mga matatanda.
Dapat nga, take advantage of their skills and experience.
12. Proteksiyon sa mga OFW
Ayusin ang standard contracts and documents para sa mga OFWs para aligned sila sa ILO Conventions, CEDAW, at RA 8042.
Palawakin ang multilateral at bilateral agreements para sa proteksiyon ng OFWs. Paigtingin ang laban sa irregular na migrasyon at trafficking
13. Save the environment
Turuan ang lahat na magtipid ng kuryente at tubig.
Itaguyod ang alternative at renewable energy.
Programa laban sa global warming.
Bawasan ang carbon dioxide emission at itaguyod ang recycling.
Paigtingin ang kampanya laban sa mga nagtatapon ng industrial waste sa mga ilog at dagat.
Ipagbawal ang importasyon, produksiyon, paggamit sa proseso at pagbebenta ng asbestos sa mga bahay, pagawaan at konstruksiyon.
Marami tayong kelangan. Marami tayong hinihingi. Hindi naman mangyayari ang mga ‘yan basta-basta. ‘Di mangyayari kahit ano – kung ‘di tayo kikilos, gagawa, titinag.
Magkakasama tayo ngayon dito, ngayong araw ng paggawa. Dapat magkakasama pa rin tayo sa mga gagawin sa araw-araw.
MABUHAY ANG MANGGAGAWANG PILIPINO!
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos