Electrician sa Looc, patay matapos makuryente

Published by rudy Date posted on October 2, 2016

BY PAUL JAYSENT FOS , ROMBLON NEWS, 02 OCTOBER 2016

Patay ang isang electrician sa bayan ng Looc, Romblon matapos na makuryente habang ito ay nag-aayos ng mga wirings ng isang tindahan sa nasabing bayan nitong October 01 ng umaga.

Kinilala ang electrician na si Joel Gigante, 37-taong gulang, at residente ng Sitio Sampaguita, Barangay Poblacion, Looc, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, tinawag umano ni Ronie Mondia, care taker ng Marduke Hotel si Gigante para i-hire at ayusin ang wirings ng isang tindahan sa compound ng nasabing hotel.

Napansin umano ni Mondia na kasama niya na nag-aayos ng mga wirings na hindi gumagalaw si Gigante.

Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito ngunit hindi umano sumasagot si Gigante, dito na siya naghinala at agad na tumawag ng tulong.

Naisugod pa sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Barangay Punta sa parehong bayan ang biktimang si Gigante ngunit binawian rin ng buhay kinalaunan.

Hinihinalang nakahawak ng live electricity ang biktima at nakuryente ito.

Sept 5 – Oct 5
National Teachers Month

“Pay teachers decent wages,
Pay attention to teachers!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Report Corruption #SearchPosts #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

September


Monthly Observances:

Health, Safety, and Sanitation Month
Clean-up Month
Civil Service Month

National Peace Consciousness Month

Social Security Month

Rule of Law Month

National Teachers’ Month (Sept 5-Oct 5)

 

Weekly Observances:

Sept 17 – 23:

World Clean and Green Week

Week 2: Education Week

Week 4: Medicine Week

Last Week: Family Week


Daily Observances:

Third Saturday: International Coastal Clean-up Day

Third Monday: World Health Day

Last Friday: National Maritime Day

Sept 8: National Literacy Day

Sept 15: Philippine Medicine Day

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.