By Jojo de Guzman, Abante, November 6, 2016
JAEN, Nueva Ecija — Nasawi ang isang barangay kagawad nang mabagok ang ulo sa sementadong lansangan makaraang madupilas sa mataas na hagdan at napahawak sa live wire habang tumutulong sa pagsasaayos ng street lights sa Brgy. Sto. Tomas South dito noong Biyernes ng hapon.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Mayor Sylvia Austria, nakilala ang nasawi na si Jose Pallarca Galang, 51, na hindi na umabot ng buhay sa Gonzales General Hospital sa Brgy. Diversion, San Leonardo.
Nabatid na dakong alas-tres ng hapon, kasama ni Kagawad Galang ang barangay electrician na si Efren Pallarca Sampang, na nag-aayos ng kanilang street lights sa kahabaan ng Jaen-Sta. Rosa Road sakop ng Purok 6. Aksidente umanong nadupilas sa taas ng hagdan si Kagawad Galang at saktong nakahawak sa live electric wiring ng inaayos na poste ng ilaw kaya nahulog at bumagok ang ulo sa kinabagsakang lansangan.
Tumanggi na ang asawang si Myrna Santiago Galang na isailalim pa sa awtopsiya ang labi ng biktima.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos