Electrician nahulog sa bubong ng bahay

Published by rudy Date posted on July 2, 2016

By Nonnie Ferriol, Abante, July 2, 2016

Wala ng buhay na bumagsak sa lupa ang isang electrician makaraang aksidenteng mahulog mula sa bubungan ng isang bahay sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2, nakilala ang biktima na si Noel Deloria y Macquian, 43, may asawa ng Blk. 61 Lot 21, Pachage 9, Phase A, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Tirso dela Cruz Jr., kasalukuyan umanong kinukumpuni ng biktima ang kuryente dakong alas-4:20 ng hapon ng isang bahay na matatagpuan sa No. 6 Cabotaje St., Brgy. Paltok, Quezon City ng mangyari ang insidente.

Base sa naging paha­yag ni Leo Malapajo, 43, nagkukumpuni umano ang biktima ng mga wi­ring ng kuryente sa na­sabing bahay nang bigla itong mahulog at bumulusok sa lupa.

Agad din nasaklolohan ang biktima at mabilis na isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) subalit idineklara din itong dead-on-arrival.

Nagsasagawa naman nang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente upang malaman kung mayroong foul play sa pagkamatay ng biktima.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories