By Armida Rico, Abante, July 9, 2016
Pinapauwi na sa Pilipinas ng kanyang amo ang isang domestic helper makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa nobyong Pinoy sa Jeddah.
Ito ang pahayag ni Welfare Officer Rosemarie Cleofe, may hawak ng kaso kung saan nabatid na dinala ng employer ang Pinay sa Philippine Consulate noong pang Mayo 31.
Ayon kay Cleofe, naaktuhang nakikipagtalik ang OFW (hindi na binanggit ang pangalan) ng kanyang amo sa nobyo nito sa loob ng silid ng kanyang pinaglilingkuran.
Pahayag ni Cleofe, mapalad na hindi nagsampa ng kaso laban sa Pinay ang eployer nito at pumayag na lamang na pauwiin sa Pilipinas.
Sinabi ni Cleofe na masuwerte pa rin ang Pinay na hindi siya ipinakulong ng kanyang employer dahil kadalasang sinasaktan at pinarurusahan sila.
“Minsan matindi ang parusang ginagawa ng mga amo sa kanilang mga kasambahay na Pinay sa ibang bansa. Kaya’t masuwerte pa ito at mabait ang naging amo nito dahil pinauuwi na lamang” pahayag pa ni Cleofe.
Labis naman ang pagsisisi ng kasambahay sa kanyang ginawa at humingi na rin ito ng tawad sa kanyang employer.
Inamin niya na dinala niya ang nobyo sa silid na tulugan at hindi niya inaasahan na makikita sila ng kanyang amo.
Sabi pa ni Cleofe na nakilala ng Pinay ang nobyo na isa ring Pinoy sa lugar na pinupuntahan ng mga kababayan.
Labis naman ang takot at hiya ng Pinay sa nangyari sa kanya at sinasabing masuwerte pa rin siya at hindi siya ipinakulong at kinasuhan ng kanyang employer.
“Tuwing nakikita ko ang employer ko, nahihiya ako at pinagsisisihan ko po ang pangyayaring ito,” ayon sa OFW.
Sa ngayon ay patuloy na nakikipag ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa embahada ng Pilipinas sa Jeddah upang maayos ang mga dokumento ng Pinay para mapauwi na ito sa Pilipinas.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos