By Al Jacinto, Abante, June 29, 2016
ZAMBOANGA CITY — Isang Chinese national ang inaresto ng pulisya matapos itong ireklamo ng isang 17-anyos na babae ng pangmomolestiya sa bayan ng Sindangan sa Zamboanga del Norte.
Kinumpirma ito kahapon ng pulisya at kinilala ang akusado na si Yanhuang Zhang Xie, 23, na dinakip nitong Hunyo 26 sa Brgy. Datu Tangkilan na kung saan ay nagtangka pa itong tumakas.
Ayon sa reklamo ng biktima, nilamas umano ni Yanhuang, mula sa Xiamen, China, ang dibdib at puwitan ng babae.
Sa sumbong ng babae, namamasukan umano ito sa tindahan ni Yanhuang at isinama siya sa bahay ng suspek upang paglinisin ng kuwarto at nagulat na lamang ito nang biglang nilamas ng dayuhan ang kanyang suso at puwet kung kaya’t agad itong humingi ng saklolo sa tiyahin at agad nagsumbong sa pulisya.
Hindi naman mabatid kung naabisuhan ba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Chinese embassy.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos