By Betchai Julian, Abante, August 19, 2016
Isang 52-anyos na lalaki ang dinakip matapos patayin sa bugbog at pananaga ang kanyang overseas Filipino workers (OFW) na misis sa Aparri, Cagayan.
Sa ulat ni Chief Insp. Pepito Mendoza, nakapiit na ngayon sa detention cell ng Aparri Police ang suspek na si Demy Taloza, 52, matapos itong sumuko.
Napag-alaman na dumating mula sa pagtatrabaho sa isang bansa ang biktimang misis na si Marites, 42, at sinundo pa ito noong Agosto 13.
Umuwi ang biktima dahil nais nitong makita ang anak na noon ay naka confine sa ospital dahil sa sakit, pero makalipas ang ilang araw ay nagtalo ang mister at misis dahil tumatanggi umano ang misis na sumiping sa mister at nag-aaya itong makipaghiwalay, na ikinagalit ng suspek.
Dito na nagwala ang suspek, binugbog at pinalo ng kahoy ang misis at hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa ang biktima dahilan ng kamatayan.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong parricide laban sa suspek.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos