Mekaniko, napisak ng inaayos na bus

Published by rudy Date posted on June 26, 2016

By Juliet de ­Loza-Cudia, Abante, June 26, 2016

Pisak ang mukha at durog ang ulo ng isang 26-anyos na mekaniko matapos madaganan ng kinukumpuning bus nang kumalas ang nakakalang na ‘jack’, kahapon ng umaga sa parking a­rea ng Dilan Liner sa may Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din, ang biktimang si Zandro Soria, 26, stay-in mechanic sa Dilan Liner na matatagpuan sa 961 Dos Castillas corner Florentino Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Sa pana­yam kay Francisco Ferrer, 51, kasamahang mekaniko ng biktima ,kapwa sila nasa ilalim ng bus at kinukumpuni ang may singaw na air bag ng bus na may plate number BVA-405 nang mangyari ang insidente.

“Nasa may bandang gitna ako, tapos si Zandro nasa may malapit sa airbag, nagulat na lang ako nang may ku­malabog, tapos ­naipit yong a­king tagiliran, kaya mabilis akong gumapang papalabas ng bus, paglingon ko nakita ko si Zandro patay na at nadaganan ng bus yong mukha”, ayon kay Ferrer.

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Trade Union Solidarity Campaigns

No to Trafficking

Jobs! Jobs! Jobs!

Categories