Dusa at pasakit ang inabot sa 3 amo

Published by rudy Date posted on June 25, 2016

By Armida Rico, Bahrain, Abante, June 25, 2016

Lahat ng pinaghirapan sa loob ng apat na taong pagtatrabaho bilang isang domestic helper, caregiver at housekeeping sa Bahrain ay nawala ang lahat matapos siyang hindi pasuwelduhin ng kanyang mga naging employer at pinagnakawan pa ng mga awtoridad sa abroad.

Nagmistulang nakawala sa kural nang makalapag ang sinasakyang Emirates Airline na may Flight 334 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, si Alicia Pablo Renabon, 50-anyos, matandang dalaga, tubong Barangay Namnama Senait, Ilocos Sur, noong Abril 19 ng alas-9:45 ng gabi sa Pasay City.

Kuwento ni Renabon, Oktubre 28, 2012 nang dumating siya sa Bahrain at namasukan ito bilang domestic helper kung saan unang naging employer niya ay isang Arabyano na isang manager sa isang kumpanya sa Bahrain nakilalang sa pangalang Al Marsok ng Gufol Salmania, Bahrain.

Base sa kontrata na pinirmahan ni Renabon sa Exel Baroon Manpower Agency na matatagpuan sa Padre Faura, Manila, dalawang taon siyang maglilingkod sa kanyang employer subalit umabot lamang ng isang taon at isang buwan ito’y matapos na makaranas ng matinding paghihirap sa Arabyano tulad ng pananakit, hindi pinapakain at hindi pagbibigay ng suweldo sa kanya.

“Subsob po ako sa trabaho buong bahay na may tatlong palapag nililinis ko po ‘yun everyday walang pahinga minsan madaling-araw na ako natutulog dahil araw-raw mayroon po itong bisita na umaabot ng madaling-araw,” pahayag pa ni Renabon.

Nang umabot na siya ng pitong buwan sa paglilingkod sa kanyang employer ay dito na siya laging pinag-iinitan o pinagagalitan nang walang kasalanan.

“Hindi ko po alam kung bakit lagi akong pinapagalitan tapos hindi rin nila ako pinapakain sa bandang huli inipit na niya ‘yun suweldo ko na hindi ko alam ang dahilan,” lahad pa nito.

Pero pinagpatuloy pa niya ang pagtatrabaho dahil sa takot na baka kung anong gawin sa kanya.

Makalipas ang isang taon at isang buwan ay tumakas na ang Pinay at agad nagpunta sa embahada ng Pilipinas sa Bahrain at sinabing tumakas siya sa kanyang employer.

“Agad ko pong tinawagan ‘yun embassy ko at sinabi kong tumakas ako at nasa Bahay Kalinga ako. Inasikaso naman ako ng embassy ko at binigyan ako ng pangalawang employer,” ­pahayag pa nito.

Abril 24, 2013 pumasok muli siya bilang isa pa ring domestic helper na kung saan isang mag-asawa ang kanyang employer at isang matandang may sakit.

Inihatid siya ng kanyang employer sa bago nitong amo na nakilala niya sa pangalang Mohamad Jarid sa Almacara St. sa Bahrain din ito.

Kinausap siya ng kanyang ­employer at sinabi sa kanya ang magiging suweldo nito na nasa 1,500 Bahraini dinar (15,000 sa peso) at dahil sa wala na siyang malilipatan na trabaho at gusto niyang kumita ay pumayag na si Renabon na magtrabaho sa kanyang pangalawang employer.

Nang magkasundo na sila sa kanyang sasahuring suweldo ay sinabi na sa kanya ng employer na ang magiging trabaho niya roon ay isang caregiver na alagaan ang isang matandang bedridden at naka-catheter na may edad na 97 na ina ni Jarid.

“Mabait po ang amo ko pero makalipas po ang isang buwan Mayo 3 ay namatay po ang matanda at hindi na nila kailangan ng katulong,” kuwento pa ng OFW.

Mayo 7, 2013 nagpunta si Renabon sa kanyang foreign agency at sinabi nitong umalis na siya sa pangalawang employer dahil sa namatay na ang kanyang binabantayan na matandang may sakit.

Halos isang buwan siyang nanatili sa kanyang agency dahil sa wala nang trabahong puwede niyang mapasukan.

“Na-stock ako doon sa agency ko pero hindi nagtagal makalipas ang isang buwan ay na-hire ako uli at namasukan bilang katulong,” sambit pa nito.

Isang Egyptian national ang pangat­long naging employer ni Renabon matapos umalis ang dalawang katulong nito dahil sa nagkasakit.

Kahalintulad din ng halaga ng naunang suweldo nito sa employer ang kanilang napag-usapan ng bago niyang amo.

Anim na buwan naglingkod ang ginang sa nasabing employer na pinahirapan din ito sa trabaho at minaltrato.

“All around po ang trabaho ko doon, walang pahinga ang masama po nito pagod na ako sa trabaho pinapaga­litan pa ako at sinasaktan. Tatlong palapag ang nililinis ko araw-araw kaya suko po ako. Hindi ko natiis ang ginagawa sa akin ng amo o kaya’t muli akong tumakas,” dagdag pa nito.

Subalit sa kanyang pagtakas lalo siyang napahamak nang hulihin siya ng mga Pakistani na pulis dahil sa wala siyang maipakitang working visa.

“Sapilitan po nila akong binitbit patungo sa kulungan sa Bahrain at nagmakaawa ako sa kanila na huwag nila akong ikulong, pero tinuloy pa rin nila na dalin ako sa jail at ikinulong,” nag-iiyak na kuwento ni Alicia.

Sampung araw siyang nakulong kung saan siya ay kinawawa ng mga awtoridad.

Matapos ang sampung araw ay inilipat siya ng mga pulis sa deportation jail kung saan nanatili siya rito ng tatlong linggo.

“After 3 days dinala nila ako sa isa pang kulungan ng ibang Arab nationa­l na halos isang buwan akong kinulong doon. Ngunit pagdating ko doon ay ikinulong nila ako sa isang malii­t na silid na hindi ako pinakain hanggang sa magkasakit na ako,” maluha-luhang pahayag ng Pinay.

Mas lalo pang lumalala ang problema nito nang madiskubreng ninakaw ang kanyang mga napundar na alahas, pera at mamahaling damit ng mga Pakistani police kaya’t nawala ang lahat ng kanyang ipon.

Umuwi ng Pilipinas si Alicia na tanging suot lamang niyang damit at ang passport ang kanyang bitbit at dahil sa tulong mga pamunuan ng OWWA ay nakauwi na sa kanilang probinsya at binigyan ng financial support upang makapaghanapbuhay.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories