Bagong modus ng human trafficking nabuking

Published by rudy Date posted on October 28, 2016

By Noel Abuel, October 28, 2016, Abante

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International­ ­Airport (NAIA) ang isang Filipina na biktima ng ­human trafficking na nagtangkang umalis ng ­bansa gamit ang pekeng ­dokumento.

Ayon kay BI ­Commissioner Jaime­ Morente,­ isang bagong modus-operandi ang natuklasan nito na ginagamit­ na rin ng mga human traffickers ang BI departure stamps na tanging ang ahensiya lamang ang may karapatan na magkaroon nito.

Sinasabing pasakay na sana ang hindi pina­ngalanang Pinay sa Cathay Pacific flight patu­ngong Dubai, United Arab Emirates sa NAIA Terminal 3 nang masita­ ng isang immigration officer kung saan isina­ilalim ito sa secondary­ inspection ng travel ­control and enforcement unit (TCEU).

Paliwanag ni Mo­rente, nang imbestigahan ang Pinay ay ina­min nitong nagkuwa itong turista patungo sa Dubai at magtatrabaho sana ito bilang domestic helper sa nasabing bansa.

“Afterwards, she brought out of her handbag a departure stamp and a stamp pad which she would use to stamp her passport and boarding pass upon reaching the boarding gate and before boarding her flight,” aniya.

Sa record ng BI, una nang na-offload sa Clark International ­Airport (CIA) ang nasabing Pinay nang magtangka­ muli itong umalis ng bansa bilang ­turista su­balit natuklasan na magtatrabaho ito sa ibang bansa.

Sa imbestigasyon, sinabi ng nasabing Pinay na inutusan ito ng kanyang employer na muling umalis ng bansa gamit ang pekeng departure stamp ngunit hindi ito nakalusot.

Nang inspeksyunin ang gamit nito ay dito­ na nakita ang departure stamp na inamin ng biktima na gagamitin nito sa kanyang pasaporte sa sandaling makasakay ng eroplano.

Bunsod nito ay ina­tasan ni Morente si Port Operations Division chief Marc Red Mariñas,­ na magpa­kalat ng mas maraming BI intelligence­ agents sa departure area sa NAIA­ upang matiyak na walang pasahero ang makakalabas ng bansa nang hindi sumasailaim sa masu­sing inspeksyon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BI upang makasuhan ang recruiter nang nasa­bing Pinay na ngayo’y nasa kustodiya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories