By Al Jacinto, Abante, Dec 23, 2016
ZAMBOANGA CITY — Isang lalaki ang dinakip ng pulisya matapos na diumano’y mapatay ang baklang live-in partner nito sa Davao City.
Nakilala ang suspek na si Christopher Dominayos, 30, at ang biktimang call center agent na si Jasper Oribia, 25. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo kamakalawa ng gabi ang dalawa sa loob mismo ng kanilang inuupahang kuwarto sa isang boarding house sa New Matina.
Nagulat na lamang ang mga nasa boarding house nang makarinig ng kaguluhan sa kuwarto ng dalawa at makitang dugaan si Jasper. Doon nabatid na sinaksak umano ni Christopher ang bading. Isinugod pa ng mga tagaroon si Jasper sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito.
Agad ring nahuli si Christopher at ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal. Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, ngunit posibleng selos ang ugat ng pag-aaway ng dalawa.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya ay kinompronta ni Christopher ang live-in partner nito sa kanyang pag-uwi.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos