Lineman natusta sa tower ng kuryente

Published by rudy Date posted on February 12, 2017

By Ronilo Dagos, Abante, Feb 12, 2017

Patay ang isang lineman makaraang ito’y makuryente habang nag-aayos ng sirang kable ng National Grid Corporation (NGC) sa Calauag, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Angelberto Sipocot Vega Jr., 38-anyos at empleyado ng Emperor Supply and Energy Cons­truction Corp.

Batay sa imbestigasyon ng Calauag Police, bandang alas-6:30 ng gabi, nasa itaas ng NGC tower 65 sa Barangay Mambaling ang biktima at inaayos ang isang sirang linya ng kuryente nang biglang magkaroon ng biglaang malakas na pagdaloy ng kuryente.

Ang biktima na noon ay nakaupo sa roller ay biglaang nakuryente na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories