By Rossel Calderon, Abante, Feb 12, 2017
Isa na namang House Technology Industries (HTI) fire victim ang sumakabilang buhay, pasado alas-sais ng gabi kamakalawa, ito na ang ikatlong biktima ng sunog na nasawi matapos ang insidente sa EPZA Cavite, mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.
Sa text message na ipinadala ni Cavite Governor Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa Abante, napag-alaman na sumakabilang buhay sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Alex Lerog, 33-anyos, tubong Sta. Monica, Surigao Del Norte at residente ng Rosario, Cavite.
Tulad ng dalawang naunang nasawi na sina Jerome Sismaet at Richard Sargento, nakaposisyon din bilang line leader si Lerog sa nasunog na pabrika at nagtamo rin ng 3rd degree burn sa bahagi ng katawan nito.
Sa huling tala, nasa apat katao pa ang nasa kritikal na lagay sa ospital at patuloy na nakikipagbuno kay kamatayan para sa kanilang buhay.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos