LIFE AFTER K-TO-12 PROGRAM Ilang senior high grads, bakit hirap pa rin daw makahanap ng trabaho

Published by rudy Date posted on May 2, 2019

by FRJ, GMA News, May 2, 2019

Mula nang ipatupad ng Department of Education ang K-to-12 Program noong 2012, mahigit 1.2 milyon na ang nakapagtapos sa senior high school. Ang iba sa kanila, piniling maghanap na ng trabaho pero bigo.

Sa special report ni Chino Gaston sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing isa si Catrinjoy Bolo sa mga senior high school graduates na patuloy na umaasang makakahanap na ng trabaho.

Bukod sa nasa top ng kaniyang klase si Bolo, may work experience na rin siya bilang part-time data encoder at nagsanay pa para maging call center agent pero hirap pa rin siyang makakuha ng trabaho sa dami ng kaniyang inaplayan.

“Marami na po, mga 20 na po akong nag-apply. Sadly, ‘di pa rin po ako nakukuha,” saad niya.

Ipinatupad noong 2012 ang K to 12 Program na ang layunin ay palakasin ang employability o kahandaan sa trabaho ng mga tapos ng senior high school.

“Pangako nila noon is ‘pag naka-graduate ka, makaka-apply ka agad. Bakit parang ang hirap pa rin sa akin na kapag… i-accept ako sa trabaho na ina-applyan ko,” hinaing ni Bolo.

Ang mga katulad ni Bolo, madadagagan pa dahil sa nagsisipagtapos na rin ang ikalawang batch ng K to 12 program. Dahil dito, asahan na titindi pa ang kompetisyon sa job market.

Sabi ni Prof. Rene Tadle, nagpetisyon noon sa Korte Suprema kontra sa programa, “How sure are you na after k-12, they’ll be employed? That is a fundamental objection that we raised. it seems that even now, wala pa ring masyadong solusyon ang gobyerno.”

Batay umano sa 2018 report ng online job portal na Jobstreet.com Philippines, 41 percent ng mga kompanya ang indefinite o pinag-aaralan pa kung handa silang tumanggap ng K to 12 graduates, 35 percent ang hindi pa raw handa, at 24 percent o isa sa kada apat na employer lang, ang handa.

“Medyo nag-aalangan pa kasi. Unang-una, makikita natin na hindi sila handa tumanggap ng K-12 kasi ‘yung mga requirements nila ay only offered to college graduates,” ayon kay Philip Gioca, country manager, Jobstreet.com Phl.

Ayon naman sa private sector coalition na Philippine Business for Education, mayroon umanong misconceptions o mga maling akala, na dapat baguhin.

“Hindi nila alam na karamihan sa mga guma-graduate ng K-12, ay 18 years old na. Kasi nandun pa rin sila sa mindset na, ‘ah high school graduate’ so 16, underage. Marami sa mga companies nagre-require talaga ng college level or college graduate sa mga H.R. manuals nila. It takes time to change those policies,” sabi ni Love Basillote, executive director, PBED.

Nang i-audit ng PBED ang K to 12 curriculum, lumabas na may 93 porsiyento umano ang tugma o match ang kakayahan ng senior high school graduates sa entry-level requirements ng mga kompaniya.

“On the part of government, or from the school part, siguro dapat na abisuhan ‘yung mga companies na medyo mas maaga, na, ‘o, 2018, ga-graduate na ‘yung first batch. dapat ‘yung sistema niyo siguro dapat handa na to,” saadni Basillote.

Inihayag naman ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na, “If we will wait for a certain conclusive readiness, we’ll never get there because it will always be a work in progress.”

Dagdag niya, para matukoy ang tamang trabaho para sa K to 12 graduates, dapat daw palakasin ang ugnayan nito sa DOLE at pribadong sektor.

“The curriculum has changed, the training programs have changed to include those competencies and it will take time for the industry to realize that, at kailangan ng.. to recognize that what we need is greater interaction with them and partnerships,” sabi ni Malaluan.–

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Trade Union Solidarity Campaigns

No to Trafficking

Jobs! Jobs! Jobs!

Categories