Lineman sa Camarines Sur, patay matapos makuryente habang nagpuputol ng kable

Published by rudy Date posted on May 1, 2019

Lineman sa Camarines Sur, patay

by Joviland Rita/LDF, GMA News, May 1, 2019

Patay matapos makuryente ang isang lineman ng cable TV habang nagkakabit ng linya sa Camarines Sur, ayon sa ulat ni Cecille Villarosa sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News nitong Miyerkules.

Ayon sa kanyang mga kasamahan, nagkakabit sila ng linya ng fiber optic sa isang poste sa Nabua sa tapat ng barangay hall nang aksidenteng mahawakan ng 32-anyos na si Jason Aguilar ang live wire.

“Magpuputol na kami nung drop line. Siya ang puputol, ayun bigla yatang nag-change posisyon siya… Hindi yata na-kontrol, sumabit yung kamay niya. Nakuryente po siya,” sabi ng kasama ni Aguilar na si Robert Comerciase.

Nasaksihan pati ng mga tao sa barangay ang inisdente.

“Parang nagalaw yung hagdan kaya dun siya nalaglag. Pagkatapos, nakita ko sa baba, ayun, nag-rescue nung kasama nila pati yung barangay tanod namin. Yung nakita ko may tama dito (sa leeg) tapos dumudugo yung bibig,” sabi ng kagawad sa Barangay Santiago Old na si Noel Detal.

Naisugod pa sa pagamutan si Aguilar, pero ideneklara siyang dead on arrival.

Labis naman ang hinagpis ng naiwang pamilya ni Aguilar katulad ng kanyang kinakasama na si Mylene San Andres.

“’Di ko nga po in-expect na ganun ang mangyayari sa kaniya kasi masayang-masaya pa po siya nung umalis pa po siya dito,” sabi ni San Andres.

Tutulong naman daw sa gastusin sa pagpapalibing ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Aguilar. —

Sept 5 – Oct 5
National Teachers Month

“Pay teachers decent wages,
Pay attention to teachers!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Report Corruption #SearchPosts #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

September


Monthly Observances:

Health, Safety, and Sanitation Month
Clean-up Month
Civil Service Month

National Peace Consciousness Month

Social Security Month

Rule of Law Month

National Teachers’ Month (Sept 5-Oct 5)

 

Weekly Observances:

Sept 17 – 23:

World Clean and Green Week

Week 2: Education Week

Week 4: Medicine Week

Last Week: Family Week


Daily Observances:

Third Saturday: International Coastal Clean-up Day

Third Monday: World Health Day

Last Friday: National Maritime Day

Sept 8: National Literacy Day

Sept 15: Philippine Medicine Day

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.