Tauhan ng MMDA na nag-viral sa panggugulpi sa mag-ina, sinibak

Published by rudy Date posted on April 29, 2020

by Henry Atuelan, ABS-CBN News, 29 Apr 2020

MAYNILA — Sinibak nitong Martes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa trabaho ang isa nilang tauhan na nag-viral sa social media matapos masapul sa video ang kaniyang panggugulpi sa kaniyang asawa’t anak.

Kinilala ang lalaki na si Roel Gatos, isang contractual employee ng MMDA na nakatalaga sa sidewalk and clearing group operations.

Ayon kay MMDA chief of staff Michael Salalima, mismong si MMDA chairman Danilo Lim ang nag-utos na sibakin si Gatos matapos mapanood ang video nito na binubugbog ang misis at anak.

Bukod sa pagsibak sa puwesto, inaayudahan din ng MMDA ang mag-ina ni Gatos, na pawang na-trauma sa insidente.

Sa video na kumalat sa Facebook noong Linggo at nakakuha na ng higit 171,000 shares, kitang gulpi ang inabot ng asawa at anak nito sa hindi malamang dahilan.

Wala pang detalye kung ihahabla si Gatos.

Nauna nang sinabi ng iba’t ibang eksperto na posibleng sumipa ang kaso ng domestic violence kasabay ng ipinatutupad na lockdown dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories