Construction worker patay sa gitna ng pagbibisikleta papuntang trabaho

Published by rudy Date posted on May 22, 2020

by Doris Bigornia, ABS-CBN News, 22 May 2020

MAYNILA — Patay ang isang construction worker matapos umanong mag-collapse at mabagok habang nagbibisikleta papunta sa trabaho nitong Biyernes ng umaga.

Nakahandusay sa kalsada ang 57 anyos na construction worker na si Enrique Minerva nang datnan ng mga rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Edsa Traffic Management chief Bong Nebrija, dating MMDA employee si Minerva at nagtrabaho sa construction matapos magretiro sa ahensiya.

Bukas na ang kanilang construction site sa ilalim ng modified lockdown sa Metro Manila kaya pumapasok na ito sa trabaho. Pero dahil wala pang public transportation ay nagbibisikleta ito mula sa kaniyang bahay sa Quezon City hanggang construction site sa Bicutan.

Ayon sa bayaw ng biktima, nag-collapse si Minerva at medyo masama ang pagbagsak ng ulo sa semento.

Kinumpirma naman ng bayaw ng biktima na may sakit ito sa puso.

Kaya matindi ang payo ng mga doktor sa mga nagbibisikleta lalo na ngayong sinasabing ito na ang new normal pagdating sa transportasyon.

“Hindi masamang mag-bike, magandang exercise nga ito pero dapat handa ka. Dapat bago magbisikleta, mag warm-up muna, mag-exercise, stretching, sit ups, mag-walking bago sumakay ng bike,” ani Dra. Susan Mercado, public health expert.

“Pakinggan ang iyong katawan, kapag napapagod na pumunta sa malilim, uminom ng tubig,” dagdag ni Mercado.

Nagkukumahog naman ang MMDA sa pagpapaalala sa Department of Public Works and Highways na agad aksyunan ang pagtatayo ng mga tamang bike lane at lalakaran ng mga tao.

Sept 5 – Oct 5
National Teachers Month

“Pay teachers decent wages,
Pay attention to teachers!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Report Corruption #SearchPosts #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

September


Monthly Observances:

Health, Safety, and Sanitation Month
Clean-up Month
Civil Service Month

National Peace Consciousness Month

Social Security Month

Rule of Law Month

National Teachers’ Month (Sept 5-Oct 5)

 

Weekly Observances:

Sept 17 – 23:

World Clean and Green Week

Week 2: Education Week

Week 4: Medicine Week

Last Week: Family Week


Daily Observances:

Third Saturday: International Coastal Clean-up Day

Third Monday: World Health Day

Last Friday: National Maritime Day

Sept 8: National Literacy Day

Sept 15: Philippine Medicine Day

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.